Biyernes, Nobyembre 11, 2011

"MAHAL"

Hindi ko akalain na magiging ganito
Labis-labis pagmamahal ko sa’yo
Alipin ako ng damdaming ito
Ikaw lang iibigin, pangako mahal ko

Saan man pumunta lagi kang hinahanap
Makita ka lang para bang nasa alapaap
Mawalay sa’yo alam kong napakahirap
At ang iwan mo ako, hindi ko matatanggap

Marami ang sagabal, marami ang hadlang
Sana mahal ko, walang lokohan
Dahil iisa lang ang aking nalalaman
Na ako’y mabubuhay sa piling mo lamang

Pagiging tapat mo ang aking hangad
Kung nagsasawa ka na sabihin mo agad
Dahil pag-ibig ko ay lubhang maalab
Hindi maawat, labis ang pagliyab

Maraming sabi-sabi, maraming bali-balita
Mga kumakalat na isyung may iba
Hindi ako nagtanong, hindi ako nagtiwala
Dahil nasaktan ako pero mahal kita

Salamat sa pagiging bahagi ng buhay ko
Ikaw ang liwanag at nagsilbing ilaw nito
Salamat sa saya at pang-unawa mo
Mag-ingat ka palagi, kasama ng tulang ito!